Isang Gabay Para sa Pamamasted sa Ika-21 Siglo

Malapit na pong matapos ang taon. Naglipara na ang kantang “Last Christmas” sa mga mall. Hanggang ngayon ay hundi ko pa rin alam kung bakit naging kantang pampasko ito. Hindi porke’t may “Christmas” ito sa kanyang pamagat ay maaari na itong maging “Christmas Carol”. Pero sa pagtugtog nito sa mga mall at radyo, ito ay nagiging  hudyat ng isa sa pinakamadalas mangyari sa panahon ng kapaskuhan - ang pagtapos ng panliligaw o ang pagkasira ng isang relasyon. Base na rin sa pangyayari sa aking buhay, walang dahilan para maging masaya sa pasko kapag may ganitong kinahaharap. Ngunit kung nahihirapan kayong palamigin pa lalo ang pasko (o kung kailan niyo mang naisin) ng isang pang tao, hayaan niyo akong tulungan kayong bigyan ng mga payong may dagdag hapdi para magawa ninyo ang karumaldumal na gawaing ito. Mga walang puso.

  1. Bumili ng halo-halo para sa iyong soon-to-be ex-irog. I-rekwes na tanggalin ang asukal. Ihain ito sa kanya at sabihin, “Alam mo, yang halo-halong iyan ay parang pagsasama natin, walang tamis. So I need to find my new sugar.”
  2. “Payagan mo akong makaalis! Kung si Arroyo nga pinayagang makaalis ng bansa, ako pa kaya sa buhay mo? Thanks for the money and all that jazz but still your restraining orders cannot stop me!”
  3. Sabihin sa kanya, “Thank you but sorry, I could not reciprocate the feeling.” Extra hapdi points: Habang nasa moment of shock siya, tanungin sa kanya “Ano pala ang theme song mo para sa akin?”
  4. Sabihin sa birthday niya, “Hey! Kami na pala ng isa pang nanliligaw sa akin. Ay! Oo nga pala! Birthday mo nga pala! Happy Birthday!” tapos smile.
  5. Para sa mga taong hilig magpakitang gilas sa iyo pero nais mong yurakan ang damdamin, sabihin sa kanya, “Wow, ang awesome-awesome mo naman” tapos ihabol “Pero I have to break up with you. You are too awesome kasi for me eh. Sorry.”
  6. Kung ikaw ay galing lang sa ibang bansa, sabihin sa kanya “I’m married na another person eh. Invited ka naman sa wedding. Punta ka ah, I’ll be expecting you.” Pwedeng gawin ito totoo man o hinde.
  7. Magbihis Doraemon. Maglabas ng dalawang mala-ticket na bagay mula sa iyong mahiwagang bulsa. Ipakita ito sa kanya. Dapat malaman niyang ticket ito. Sa pinakadoraemon mong boses, sabihin sa kanya “Pupunta tayo sa pinakamasayang lugar sa lahat - ang FRIEND ZONE!”
  8. El clasico: “It’s not you. It’s me.” Kung may bagong irog, palitan ang “It’s me” ng “It’s me… and [insert name here].”
  9. Magyaya na maglaro sa isang inuman. Tanungin sa madla na tumayo ang sinumang ‘in a relationship’. Kapag tumayo siya, huwag kang tatayo at sabihin mong “Excuse me. Huwag ka ngang feeling.”
  10. Kailangan mo ng isang pamasted na pang all-around… simple pero sure kang ito ang pinakamasakit sa lahat? Sabihin sa kanya, “I love you as a friend… bro.” Kung mas nakakatanda sa iyo ng di hamak, palitan ang “bro” ng “kuya”.

PAALALA: Ang lahat ng ito ay maaaring kathang isip lamang. Kung ito man ay nangyari sa totoong buhay, sorry na lang, ako nagsulat nito.

*awkward laugh*

  1. lancemalvien said: naks naman. :D
  2. lancemalvien reblogged this from nicotinepluscaffeine
  3. nicotinepluscaffeine posted this
blog comments powered by Disqus